SSS pinag-iingat ang publiko sa FB pages at groups na nag-aalok ng online SSS services

SSS pinag-iingat ang publiko sa FB pages at groups na nag-aalok ng online SSS services

Pinag-iingat ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro sa mga Facebook pages at groups na nag-aalok ng online SSS services.

Ayon sa SSS, maliban sa peke ang nasabing mga page at groups ay naniningil din ng bayad ang mga ito.

Dagdag pa ng SSS maaaring maging delikado ang personal information ng mga miyembro kapag nakipagtransaksyon sa nasabing mga FB group and pages.

Ang tanging official FB Page ng SSS ay ang Philippine Social Security System – SSS na mayroong 5M followers.

Payo ng SSS, sa nasabing FB page lamang kumuha ng impormasyon at makipagtransaksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *