Carlos Yulo nakuha ang ikatlong gintong medalya sa SEA Games

Carlos Yulo nakuha ang ikatlong gintong medalya sa SEA Games

Nagwagi ng kaniyang ikatlong gintong medalya sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games.

Unang dinomina ni Yulo ang men’s floor exercise competition matapos makakuha ng score na 15.200 – 6.300 sa difficulty at 8.900 sa execution at nakuha ang kaniyang ikalawang gold medal.

Naiuwi naman ng pambato ng Singapore ang silver medal habang ang pambato ng Vietnam ang nakakuha ng bronze medal.

Ang ikatlong gintong medalya ni Yulo ay nakuha niya nang magwagi siya sa Rings Finals makaraang magtapos sa 14.400 points.

Tinalo ni Yulo sa nasabing event ang dalawang pambato ng Vietnam.

Ang unang gintong medalya ni Yulo ay nasungkit niya nang siya ang manguna sa individual all-around.

Habang silver medal naman ang naiuwi ng men’s gymnastics team ng Pilipinas para sa Team event. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *