Nag-overtime na teachers noong eleksyon posibleng makatanggap ng P2,000 dagdag na honoraria
Dalawang libong piso ang maaring matanggap na dagdag na bayad ng mga guro na nag-overtime noong nagdaang eleksyon dahil sa mga naranasang problema sa vote counting machines (VCM) at SD cards.
Ayon kay Comelec acting spokesman John Rex Laudiangco, hinihintay na lamang ang pag-apruba ng en banc sa panukalang dagdag na honoraria.
Ang pinal na halaga ng honorarya ay depende sa availability ng pondo pero hindi aniya bababa sa P2,000 ang ibibigay.
Noong 2019 kasi, nabigyan din ng P2,000 ang mga nag-overtime na guro.
Sa datos ng Comelec, nakapagtala ng 915 VCMs na nagkaproblema noong eleksyon. (DDC)