PhilHealth magpapatupad ng pagtaas sa contribution rate
Tataas ang contribution rate ng PhilHealth simula sa Hunyo ngayong taon.
Ayon sa PhilHealth, nakasaad sa Universal Healthcare Act ang 0.5 percent na increase sa PhilHealth contribution kada taon hanggang sa maabot ang 5 percent limit pagsapit ng 2025.
Noong nakaraang taon ay hindi nagkaroon ng pagtataas sa contribution rate bunsod ng pandemya ng COVID-19.
Epektibo sa susunod na buwan, ang mga mayroong Monthly Basic Salary na P10,000 pababa ay P400 na ang Monthly Premium.
Ang mga mayroong Monthly Basic Salary na P10,000.01 hanggang P79,999.00 ay P400 hanggang P3,200 na ang Monthly Premium.
P3,200 din ang Monthly Premium para sa mga mayroong Monthly Basic Salary na P80,000 pataas. (DDC)