Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian nag-courtesy visit kay BBM
Nagsagawa ng courtesy visit si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ipinaabot ni Huang kay Marcos ang congratulatory note ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Huang sa nakalipas na mga taon, sa ilalim ng pamumuno ng dalawang heads of state, lalo pang lumakas at napagbuti ang China-Philippines relations na pinakinabangan ng mga mamamayan ng dalawnag bansa.
Sinabi ni Huang na handa ang China na makatrabaho ang susunod na gobyerno ng Pilipinas upang mapanatili ang good-neighborliness at upang mas mapalalim pa ang Relationship of Comprehensive Strategic Cooperation.
Naniniwala din si Huang na mas lalo pang lalakas ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Nagpasalamat naman si Marcos kay Xi sa ipinaabot nitong congratulatory message.
Tiniyak ni Marcos na papahalagahan nito ang traditional friendship sa pagitan ng Pilipinas at China. (DDC)