PNP tiniyak ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga idinadaos na post election protest
Binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang mga aktibidad matapos ang ginanap na 2022 National and Local Elections.
Iniutos ni PNP Officer-in-Charge, Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa mga pulis na tiyakin ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga idinadaos na protesta ng mga grupong hindi kumbinsido sa resulta ng halalan.
Ayon kay Danao nauunawaan nila ang sentimiyento ng publiko at inirerespeto ang kanilang karapatan sa self-expression.
Gayunman umaapela ang PNP sa iba’t ibang grupo na iwasan ang mga aktibidad na maaring makapagdulot ng kaguluhan.
Sinabi ni Danao na kasama sa tunay na demokrasya ang pagpapakita ng respeto at disiplina para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan. (DDC)