Pilipinas may 11 medalya na sa ginaganap na SEA Games
Nakakuha na ng labingisang medalya ang team ng Pilipinas sa ginaganap na Southeast Asian Games sa Vietnam.
As of 12:30 ng tanghali ng Huwebes (May 12) ang Pilipinas ay mayroong 1 ginto, at tig-5 silver at bronze.
Nasa pang-apat na pwesto ang Pilipinas sa labingisang bansa na kasali sa SEA Games.
Nangunguna ang Vietnam na may 27 medalya, kasunod ang Malaysia – 18 medalya, at ikatlo ang Indonesia – 7 medalya. (DDC)