Anim na katao na pawang armado nahuli sa Lanao Del Norte

Anim na katao na pawang armado nahuli sa Lanao Del Norte

Naharang ng mga otoriad ang dalawang sasakyan na may lulang ng mga armadong indibidwal sa checkpoint sa Sultan Naga Dimaporo (SND), Lanao del Norte.

Ayon kay Maj. Gen. Generoso Ponio, Commander ng 1st Infantry Division/Joint Task Force ZamPeLan, unang naharang ang isang dump truck na may lulang 40 katao.

Naharang din ang isang Toyota Hilux na pag-aari ng local government unit ng Midsalip, Zamboanga del Sur na may sakay namang anim na katao.

Nang isailalim sa inspeksyon, natuklasan na ang mga sakay ng Hilux ay lumabag sa election gun ban dahil may mga dala silang armas.

Kinilala ang mga naresto na sin:

– Esmail Wali, alyas Commander, 42 anyos at kilalang lider ng Macari Group
– Adam Tando, 58 anyos
– Fausto Guinita, 40 anyos
– Sangbaan Acut, 58 anyos
– Tristan Baguio, empleyado ng Midsayap LGU
– Resil Revillas, empleyado ng Midsayap LGU

Nakumpiska sa kanila ang sumusunod na mga armas:

– tatlong 5.56mm M16A1 rifles
– isang 5.56mm M4 rifle
– isang 7.62mm M14 rifle
– isang cal. 45 submachine gun
– isang cal. 50 Barret rifle
– isang rocket-propelled grenade launcher
– isang 9mm submachine gun
– apat na cal. 45 pistol
– isang 9mm pistol
– isang cal. 38 revolver
– isang rifle grenade
– iba’t ibang magazines at mga bala

May nakumpiska ding cash na aabot sa P42,900 ang halaga.

Ang mga sasakyan ay naharang habang binabaybay ang Malabang-Dableston Tukuran Road. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *