Mid-year bonus matatanggap na ng mga pulis
Nakatakda nang i-release ang mid-year bonus ng mga pulis sa May 17, 2022.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-charge, Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. kabuuang P7,321,377,087 ang inilaan para sa mid-year bonus ng 222,787 na PNP personnel.
Bahagi aniya ito ng taunang budget ng PNP.
Ayon kay PNP Finance Service Director, BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. matatanggap ng mga PNP personnel ang kanilang bonus sa May 17 sa pamamagitan ng kanilang ATM Payroll Accounts.
Ang maatatanggap ng bawat pulis ay katumbas ng kanilang base salary sa isang buwan.
Sa ilalim ng Tax Reform Accelaration and Inclusion (TRAIN) law, ang bonus na lalagpas sa P90,000 ay papatawan na ng withholding tax. (DDC)