Severe national emergency idineklara sa North Korea matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19
Simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19, ngayon lamang nakapagtala ng unang kaso ng sakit sa North Korea.
Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA), agad idineklara ni North KKorean leader Kim Jong Un ang “severe national emergency” dahil sa pagkakaroon na ng unang kaso ng COVID-19.
Nagdaos ng crisis meeting ang matataas na opisyal sa North Korea kasama si Kim Jong Un.
Ayon sa KCNA, target ng pamahalaan ng NoKor na agad maawat ang paglaganap ng sakit.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na walang ginawang pagbabakuna kontra COVID-19 sa North Korea.
Ilang ulit kasi nitong tinanggihan ang alok na bakuna mula sa World Health Organization (WHO), China at Russia. (DDC)