DepEd handa na sa transition para sa magiging bagong kalihin ng kagawaran

DepEd handa na sa transition para sa magiging bagong kalihin ng kagawaran

Bukas ang Department of Education (DepEd) sa planong italaga si presumptive Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd.

Sa pahayag sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones tinatanggap ang anunsiyo ni Presumptive President Bongbong Marcos na si Duterte ang maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ani Briones handa siya at ang buong pamilya ng DepEd na magtrabaho kasama ang grupo ni Sara Duterte para sa maayos na transisyon ng pamumuno sa DepEd.

Itu-turnover aniya ang Basic Education Plan 2030 na mag-iiwan ng medium-term plan para sa kagawaran.

Sinabi ni Briones na kampante siya na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay at maipagpapatuloy ang mga naumpisahan na. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *