Pambato ng Pilipinas sa Pencak Silat nasungkit ang unang gintong medalya sa nagaganap na SEA Games

Pambato ng Pilipinas sa Pencak Silat nasungkit ang unang gintong medalya sa nagaganap na SEA Games

Nakakuha na ang Pilipinas ng unang gintong medalya sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Nagwagi ang pambato ng Pilipinas sa Pencak Silat na si Francine Padios laban sa Indonesian na si Puspa Arum Sari sa Pencak Silat Women’s Seni Tunggal Single final.

Umiskor si Padios ng 9,960 laban sa 9,945 ng kaniyang kalaban.

Si Padios ay runner-up noon sa 2019 SEA Games.

Sa update mula sa Philippine Sports Commission (PSC), as of 5PM ng Miyerkules (May 11), ang Pilipinas ay mayroon nang 1 gintong medalya, 3 silver at 4 na bronze. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *