Same-sex parternship kikilalanin na sa Tokyo simula sa Nobyembre
Simula sa buwan ng Nobyembre ay uumpisahan nang kilalanin ang same-sex parternship sa Tokyo.
Tanging ang Japan na lamang mula sa Group of Seven (G7) countries ang hindi pa kumikilala sa same-sex unions.
Ayon sa gobyerno ng Tokyo, sa nakalipas na dalawang buwan, pinakinggan nila ang mga opinyon hinggil sa same-sex unions at kinausap ang mga same-sex couples.
Plano ng metropolitan government ng Tokyo na hilingin sa mga mambabatas na aprubahan na ang inamyendahang local ordinance sa susunod na buwan.
Sa Oktubre ay tatanggap na ang Tokyo ng aplikasyon para sa certificates at sa Nobyembre ito uumpisahang iisyu. (DDC)