Mag-inang Aguilar muling naihalal bilang Mayor, Vice Mayor sa Las Piñas
Muling uupo bilang alkada at bise alkalde ang ang mag inang Aguilar sa lungsod ng Las Piñas.
Kahapon (May 10, 2022) ng 10:00 ng umaga, sa Session Hall ng Las Piñas City Hall, pormal na ipronoklama ng COMELEC ang pagkapanalo nina Mel Aguilar bilang Mayoral re-electionist at si April Aguilar na Vice Mayoral re-electionist.
Si Mayor Mel Aguilar ay nakakuha ng 108,644 na boto dahilan para maka-upo muli siya sa ikatalong termino nito bilang alkalde ng lungsod.
“Lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagpaabot ng walang pagsasawang pagmamahal upang muling maihalal na alkalde ng Las Piñas”, ayon kay Mayor Aguilar.
Dagdag pa nito na ang lahat ng programang isasagawa nila sa kanilang termino ngayon ay sinisuguro niyang magiging kapakipakinabang sa lahat ng Las Piñero higit lalo na sa kinabukasan ng mga kabataan at ng buong lungsod ng Las Piñas.
Habang ang anak nitong si April Aguilar, ay tinghal na panalo bilang vice-mayor ng lungsod, matapos makamit ng 123,457 votes.
Ito ang kayang ikalawang termino bilang bise-alkade ng lungsod.
Natapos ang canvassing kahapon 5:00 ng umaga na pinamunuan ni Atty. Edgar Feliciano Aringay na siyang tumayong Chairman of Board of Canvassers kasama si Atty. Marilyn Cynthia Fatima Luang-Vice Chairperson at Dr. Joel T. Torrecampo ng Division Office ng Las Piñas bilang Member-Secretary.
Ang lungsod ng Las Piñas ay meron 291,074 registered voters, batay sa datos ng local comelec office. (Noel Talacay)