Celebrity make up artist Fanny Serrano, pumanaw na
Sumakabilang buhay na ang tanyag na celebrity make up artist na si Fanny Serrano o Felix Mariano Fausto Jr. sa totoong buhay.
Sa Facebook post, kinumpirma ni Maktin Miranda na ang kaniyang ama ay pumanaw 9:00 ng gabi ng Martes (May 10) sa kanilang bahay.
“I am forever grateful and thankful to you my Papa. I AM PROUD TO BE YOUR DAUGHTER…. Maulit man ang mundo ikaw at ikaw pa din ang ipagdadasal ko na maging tatay ko,” ayon kay Miranda.
Si Serrano ay na-stroke noong March 2021.
Nagpasalamat si Miranda sa lahat ng nagpapaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya. (DDC)