DepEd naglabas na ng guidelines pagdaraos ng face-to-face graduation
Pinapayagan na ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng end-of-school-year rites sa pagtatapos ng SY 2021-2022.
Sa guidelines na inilabas ng DepEd, ang mga paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 ay maaring makipag-ugnayan sa nakasasakop na LGU para sa pagdaraos ng graduation ceremony.
Kailangang limited lamang o hybrid ang seremonya at dapat matiyak na masusunod ang health and safety protocols na itinakda ng IATF.
Kailangan ding matiyak ang sumusunod:
– pagsusuot ng face mask ng lahat ng participants
– one meter social distancing
– bawal ang hand shake at iba pang uri ng physical contact
– isa lamang ang maaring kasama ng magtatapos
Pinayagan din ng DepEd ang pagdaraos ng face to face na recognition pero dapat ay limitado lamang at hindi dapat isabay sa graduation ceremony. (DDC)