Pamamayagpag ng mga “Hernandez” sa Montalban tinapos ng isang retiradong heneral
Nagwagi bilang bagong mayor ng Montalban, Rizal si Ret. Gen. Ronnie Evangelista.
Tinalo ni Evangelista si Mayet Hernandez na anak ng dating Mayor na si Elyong Hernandez at kapatid ng kasalukuyang Mayor na si Dennis “Tom” Hernandez.
Tinapos ni Evangelista ang 12 taon na pamamayagpag ng mga “Hernandez” sa pulitika sa Montalban.
Magugunitang ang namayapang si Elyong Hernandez ay tatlong term sa puwesto at isang termino naman si Mayor Tom.
Si Evangelista ay dating superintendent ng Philippine Military Academy.
Nagpasalamat si Evangelista sa lahat ng MontalbeƱo na nagbuhos ng suporta.
Pinasalamatan din ni Evangelista ang kaniyang mga nakatunggali para sa malinis na halalan.
Sa kaniya namang pahayag, binati na ni Mayet Hernandez si Evangelista sa panalo nito.
Umaasa si Hernandez na maitutuloy ng bagong administrasyon ang mga nasimulang kaunlaran sa bayan.
Nagpasalamat din si Hernadez sa mga sumuporta sa kaniya.
As of 9:00AM narito ang partial/unofficial result ng eleksyon sa Montalban:
MAYOR
Gen. Ronnie Evangelista – 76,828
Mayet Hernandez – 74,168
VICE MAYOR
Umpek Sison – 60,102
Roy Cuerpo – 51,047
Gen. Jun Caparas – 31,819
COUNCILOR
Ivan Rodriguez – 77,235
Judith Cruz – 62,601
Manok Marcelo – 58,968
Deck Lazarte – 56,448
Doc Carmela Javier – 54,674
Mark Acob – 54,351
Arnel De Vera – 53,508
Onat Umali – 53,272
Arnold River – 49,578
Grem Simbulan – 38,015