Comelec wala pang plano na palawigin ang oras ng botohan

Comelec wala pang plano na palawigin ang oras ng botohan

Walang pang balak ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang oras ng botohan kasunod ng mga ulat na may mga lugar na nakaranas ng brownout.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sa ngayon ay walang nakikitang justifiable reason ang en banc para palawigin ang oras ng botohan.

Sinabi ni Garcia na ang mga naranasang brownout ay maituturing na isolated incidents lamang.

Ayon sa opisyal may mga lugar nga sa Bohol, Surigao, Dinagat at Leyte na talagang suplay ng kuryente pero natuloy ang botohan.

Ani Garcia ang mga nararanasang problema ngayon sa mga polling precincts ay pawang minor problems lamang na normal na nararanasan tuwing eleksyon.

Dalawang linggo kasi ang nakararaan sinabi ni Garcia na nag-arkila na ng Generator Sets para magamit sa mga lugar na wala talagang suplay ng kuryente.

Sa naging pahayag ng grupong Kontra Daya, nanawagan ito sa Comelec na palawigin ang botohan dahil sa mga naranasang pagpalya ng Vote Counting Machines at dahil sa mahabang pila sa mga polling places.

Noong 2010 elections pinayagan ng Comelec na palawigin ng dalawang oras pa ang botohan.

Sa halip na 5:00 ng hapon ay pinayagan ang botohan hanggang 7:00 ng gabi dahil maraming polling places ang mahaba pa ang pila ng mga botante. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *