Bilang ng mga pumalyang VCM umabot na sa 1,800
Umabot na sa 1,800 na vote counting machines (VCMs) ang naitalang pumalya sa ginaganap na eleksyon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, pawang common issues lamang ang naitalang problema sa VCMs.
Kabilang dito ang mga problema sa paper jam (940 VCMs), rejected ballots (606 VCMs), VCM scanner (158 VCMs), VCM printer not printing (87 VCMs), Not printing properly (76 VCMs).
Ayon kay Garcia karamihan naman sa nagkaproblemang VCM ay hindi na kinailangang palitan.
Naiayos na kasi ang mga ito ng kanilang technicians.
Sampu naman sa mga pumalyang VCM ang pinalitan.
Una nang sinabi ng Comelec na mayroong 1,100 VCMs ang nakahanda bilang contingency. (DDC)