PNP personnel nagsilbing BEIs sa Cotabato City
Ilang guro sa Cotabato City ang nagpasyang hindi manilbihan bilang board of election inspectors dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan.
Dahil dito sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga tauhan ng Philippine National Police na sinanay para maging BEI ang hahalili sa mga guro.
Sinabi ni Laudiangco na napaghandaan naman ng Comelec ang ganitong sitwasyon.
Ayon sa Comelec mayroong mga sinanay na PNP personnel para magsilbi bilang special electoral boards sa 175 na clustered precincts sa Cotabato City.
Tiniyak ni Laudiangco na tuloy ang eleksyon sa Cotabato City at maging ang VCM na napaulat na nagkaproblema ay agad na papalitan. (DDC)