Comelec tinutugunan na ang mga napaulat na problema sa VCMs

Comelec tinutugunan na ang mga napaulat na problema sa VCMs

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na mapapangalagaan ang mga balota na hindi agad maipapasok sa Vote Counting Machine (VCM) bunsod ng pagpalya ng ilang makina.

Pahayag ito ni Comelec Education and Information Department Dir. James Jimenez kasunod ng mga ulat na may mga VCM na pumalya sa ilang presinto.

Sa ganitong pagkakataon sinabi ni Jimenez na mayroong dalawang opsyon ng botante, ang una ay bumoto na at iwan ang kanilang balota, at ikalawa ay maghintay hanggang sa umayos na muli ang makina.

Paalala ni Jimenez, tanging sa electoral board lamang dapat iwan ang balota.

Kapag gumana na ang VCM magkakaroon ng batch feeding ng mga balota na isasagawa ng electoral boards at mayroong mga testigong watchers.

Sa ngayon sinabi ni Jimenez na nirerespondehan na ang mga lugar kung saan nakapagtala ng problema sa VCM.

Ang mga ayaw talagang gumana ay papalitan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *