60,000 sundalo naipakalat na ng AFP para sa eleksyon

60,000 sundalo naipakalat na ng AFP para sa eleksyon

Animnapung libong tauhan ang naipakalat na ng Armed Forces of the Philippines para magbantay sa idaraos na eleksyon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, responsibilidad ng mga sundalo ang magbigay ng suporta sa Comelec lalo na sa mga lugar na tukoy bilang areas of concern.

Naka-deploy na ang animnapung libong tropa ng militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ani Zagala.

Una nang sinabi ng PNP na mayroong 24 na bayan at 4 na lungsod sa bansa ang nakasailalim sa Comelec control dahil sa security concern. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *