Voter turnout sa Overseas Voting nasa 31 percent na ayon sa Comelec

Voter turnout sa Overseas Voting nasa 31 percent na ayon sa Comelec

Nakapagtala na ng 31 percent na voter turnout ang Commission on Elections (Comelec) sa nagpapatuloy na Overseas Voting.

Nagsimula ang Overseas Voting noong April 10, 2022 at magtatapos ito sa mismong araw din ng eleksyon May 9, 2022.

Sa datos ng Comelec, mayroong 1,697,215 na registered voters para sa Overseas Voting.

Simula noong April 10, umabot na sa 526,972 ang nakaboto o katumbas ng 31 peprcent.

Noong 2019 elections, 18 percent lamang ang final voter turnout na naitala ng Comelec sa overseas voting.

Pinakamaraming naitalang bumoto sa Middle East and African Region kung saan sa 786,997 na registered voters ay 202,109 na ang nakaboto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *