Comelec pinaaaksyon sa umano’y talamak na vote buying sa Mariveles, Bataan
Talamak ang vote buying sa Mariveles, Bataan matapos ang pamimigay ng mga balikatan cards sa tao.
Ito umano ay isang paraan lamang para dito padaanin ang mga cash na ibibigay ng kampo ni AJ Concepcion, tumatakbong alkalde sa Mariveles.
Pinamamadali ni Mariveles Mayor Josephine Castañeda ang pag-aksyon ng Commission on Elections (Comelec) ang nasabing vote buying.
Mismong si Castañeda ang sumugod sa lugar na kung saan isinsagawa ang vote buying o pagbabayad sa mga tao kapalit ng boto pabor sa kandidato.
Partikular na tinukoy ni JoCas ang mga sumusuporta sa kanyang kalaban na si Concepcion.
Sinabi pa ng Mayora, ito ay tahasang paglabag sa umiiral na batas ng Comelec na Vote Buying dahil maaari di-umano sa ipinamimigay na mga balikatan cards sa Tao ay isang paraan lamang para dito padaanin ang mga cash na ibibigay ng mga pulitikong namahagi nito.
“Sa ilalim ng omnibus election code Article XXll, approved; 03 December 1985. Section 261-Prohibited Acts- the following shall be guilty of an election offence:
VOTE BUYING and VOTE SELLING; Any person who gives, offers or promises money or anything of value, gives or promises of any office or employment, franchises or grants, public or private, makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any Person, Association, corporation, entity or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for any aspirants for the nomination or choice of any candidate in the convention or similar selection process of a political Party,” ani Castañeda.
Nitong Biyernes, may hinahakot ang bus na umano’y mga lider ni Concepcion papuntang convention at hinihinalang bahagi ito ng vote buying.