DOH maglalagay ng vaccination site sa labas ng polling places

DOH maglalagay ng vaccination site sa labas ng polling places

Maglalagay ng vaccination sites ang Department of Health (DOH) sa labas ng polling places sa mismong araw ng eleksyon.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, base sa kanilang napagkasunduan sa Comelec, ilalagay ang vaccination sites 30 metro ang layo mula sa polling places.

Sinabi ni Vergeire na pagkatapos bumoto ng mga botante ay maaring magpabakuna ng kanilang primary series o booster.

Kailangan lamang ipakita ang ID at vaccination card ng mga nais na makapagpabakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *