Pondo para sa restoration ng mga napipinsalang paaralan kapag eleksyon, ihihirit ng DepEd

Pondo para sa restoration ng mga napipinsalang paaralan kapag eleksyon, ihihirit ng DepEd

Ihihirit na ng Department of Education (DepEd) na maisama sa kanilang pondo ang panggastos para sa mga mapipinsalang paaralan kapag nagdaraos ng eleksyon.

Ayon kay DepEd Usec. Alain Pascua, ang sa ngayon ay walang fund allocation ang kagawaran sa mga nasisirang kagamitan sa eskwelahan kapag may idinadaos na halalan.

Inihalimbawa ni Pascual ang mga nasisirang upuan at iba pang gamit sa paaralan tuwing eleksyon.

“Schools are not design for election purposes. Ang mga chairs natin for kinder, elementary, nasisira kadalasan,” ayon kay Pascua.

May mga pagkakataon din ani Pascua na may mga lugar na nagkakaroon ng kaguluhan kapag eleksyon at may nasusunog pang mga silid aralan.

Samantala, sinabi ni Pascual na may mga paraalan na napinsala noong nagdaang Bagyong Agaton ang hindi magagamit bilang polling places sa May 9 elections.

Sa mga nasirang paaralan dahil sa nasabing bagyo, 10 percent lamang ang na-repair ng DepEd dahil walang nakalaang pondo para dito.

Sinabi ni Pascua na humirit na sila sa Department of Budget and Management para sa special fund upang makumpuni ang mga nasirang eskwelahan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *