Voter turnout sa Overseas Voting nasa 27 percent na ayon sa Comelec
Nakapagtala na ng 27 percent na voter turnout ang Commission on Elections (Comelec) sa nagpapatuloy na Overseas Voting.
Nagsimula ang Overseas Voting noong April 10, 2022 at magtatapos ito sa May 9, 2022.
Sa datos ng Comelec, mayroong 1,697,215 na registered voters para sa Overseas Voting.
Simula noong April 10, umabot na sa 458,324 ang nakaboto o katumbas ng 27 peprcent.
Noong 2019 elections, 18 percent lamang ang final voter turnout na naitala ng Comelec sa overseas voting.
Pinakamaraming naitalang bumoto sa Middle East and African Region kung saan sa 786,997 na registered voters ay 173,229 na ang nakaboto. (DDC)