Red Alert status paiiralin sa NDRRMC at OCD para sa eleksyon

Red Alert status paiiralin sa NDRRMC at OCD para sa eleksyon

Sasailalim sa Red Alert status ang National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) para sa May 9 national and local elections.

Tutulong ang dalawang ahensya ng gobyerno sa Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na halalan.

Sa memorandum ng National Task Force Against COVID-19, ang mga OCT at Regional DRRMCs ay kailangang magtalaga ng mga tauhan para tumulong sa pagpapatupad ng COVID health and safety protocols.

Naatasan din ang OCD na iproseso ang probisyon para sa medical supplies at iba pang logistical requirement para sa COVID-19 operations sa araw ng halalan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *