Ayala Avenue at iba pang kalapit na lansangan isasara sa daloy ng trapiko simula mamayang gabi
Isasara sa daloy ng trapiko simula mamayang gabi (May 6) ang bahagi ng Ayala Avenue at iba pang kalapit na pangunahing lansangan sa Makati City.
Ito ay bilang paghahanda sa gaganaping Miting de Avance ng kampo ni presidential candidate VP Leni Robredo at running mate na si Sen. Kiko Pangilinan sa May 7.
Mula 9:00 ng gabi mamaya hanggang 6:00 ng umaga sa May 8 ay magpapatupad ng partial road closures sa sumusunod na mga kalsada:
1. Ayala Avenue (from Fonda St. to Gil Puyat Ave.)
2. Paseo de Roxas St. (from Dela Rosa St. to Makati Ave.)
3. Makati Ave. (from Dela Rosa St. to Paseo de Roxas)
4. V.A. Rufino St. (from Dela Rosa St. to Valero St.)
5. Salcedo St. (from Dela Rosa St. to Valero St.)
Ang mga pribadong sasakyan at mga pampasaherong bus na dumadaan sa East Bound Lane ng Ayala Avenue ay maaring dumaan sa Gil Puyat patungo sa EDSA.
Ang mga pampasaherong jeep mula Washington Terminal patungong McKinley Terminal at mga pribadong sasakyan na dadaan sa West Bound Lane ng Ayala Avenue ay maaring magamit ang sumusunod na alternatibong daan:
a) PUJ from Washington Terminal going to McKinley (Chino Roces – Dela Rosa – Amorsolo – Arnaiz – East St. – Ayala Avenue)
b) PUJ from McKinley Terminal going to Washington Terminal (Ayala Avenue – Parkway Drive – West St. – Arnaiz Amorsolo – Rufino – Chino Roces)
c) Private Vehicles passing through the West Bound of Ayala Avenue going to Buendia will be re-routed to Ayala Avenue – Parkway Drive – West St. – Arnaiz Amorsolo – Rufino – Chino Roces. (DDC)