DepEd nakipagkasundo sa Grab para i-prayoridad ang mga DepEd personnel na mangangailangan ng transportasyon sa eleksyon

DepEd nakipagkasundo sa Grab para i-prayoridad ang mga DepEd personnel na mangangailangan ng transportasyon sa eleksyon

Nakipagkasundo ang Department of Education (DepEd) at sa Grab PH para gawing prayoridad ng mga riders/drivers ang mga guro na mangangailangan ng transportasyon sa eleksyon.

Ayon kay DepEd Usec. Alain Pascua, hindi kasi natugunan ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit ng DepEd na makapagtalaga ng deputized na mga sasakyan para sa mga guro.

Sinabi ni Pascua na may mga lugar talaga na mahirap ang sasakyan o mahirap ang transportasyon.

Sa ilalim ng kasunduan ng DepEd at Grab PH, magiging prayoridad ang mga guro at iba pang tauhan ng DepEd na maninilbihan bago ang eleksyon, sa mismong araw ng eleksyon, at pagkatapos ng eleksyon.

Bibigyan ng code ang mga guro at non-teaching personnel at iyon ang gagamitin nila, para maalerto ang riders/drivers na kailangan silang iprayoridad.

Mahalaga ito ayon kay Pascua para hindi ma-delay ang mga guro sa pagdating nila sa mga polling places. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *