Magkasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Oriental
Nakapagtala ng magkasunod na may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Davao Oriental ngayong Biyernes (May 6) ng umaga.
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.1 na lindol sa 118 kilometers southest ng bayan ng Tarragona, 8:02 ng umaga.
60 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Instrumental Intensities:
Intensity II:
– Malungon, Sarangani
Intensity I
– Nabunturan, Davao de Oro
– Alabel, Sarangani
– Koronadal City
– Santo NiƱo, South Cotabato
Samantala, 9:36 ng umaga nang maitala naman ng Phivolcs ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan pa rin ng Tarragona.
3 kilometers naman ang lalim ng ikalawang pagyanig na naitala sa 183 kilometers southeast sa nasabing bayan.
Kahapon (May 5) ng hapon, tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa Davao Oriental.
Naitala ang malakas na lindol 4:21 ng hapon. (DDC)