National Election Monitoring Action Center inilunsad ng PNP sa Camp Crame

National Election Monitoring Action Center inilunsad ng PNP sa Camp Crame

Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) ang National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame sa Quezon City ilang araw bago sumapit ang national and local elections.

Sa NEMAC magsasagawa ng monitoring sa mga kaganapan sa mga voting centers sa buong bansa.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, mas pinaigting ng PNP ang security arrangements para sa nalalapit na eleksyon.

Maliban sa NEMAC, binuksan na din ng PNP ang Regional Election Monitoring and Action Centers (REMACs).

Ang seremonya ay pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Operations, Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na siya ring Commander ng PNP Security Task Force NLE 2022.

Sinabi ni Danao na ang NEMAC at REMAC ang magsisilbing mata at tainga ng PNP Security Task Force NLE 2022 dahil magbibigay ito ng updated report sa lahat ng insidenteng may kaugnayan sa eleksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *