5 lugar sa Metro Manila walang naitalang bagong kaso ng COVID-19
Apat na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila ang nakapagtala ng zero COVID kahapon, May 4, 2022.
Sa datos mula sa OCTA Research, walang bagong kaso ng COVID-19 sa Marikina, Muntinlupa, Navotas, Valenzuela at Pateros.
Nakapagtala naman ng tig-isang bagong kaso lamang ng sakit sa Malabon at Mandaluyong.
Habang tig-dalawang kaso ang naitala sa San Juan at Taguig.
Tatlong bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Caloocan, at tig-limang kaso sa ParaƱaque at Quezon City.
Tigwa-walong kaso naman ang naitala sa Pasay, Pasig at Makati.
Habang sa lungsod ng Maynila, sampung bagong kaso ng COVID-19 ang naitala. (DDC)