Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 136 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona, 5:41 ng umaga araw ng Huwebes, May 5.

May lalilm na 96 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity II sa General Santos City.

Naitala din ang Instrumental Intensities sa sumusunod na mga lugar:

Intensity III:
– Malungon at Alabel, Sarangani

Intensity II:
– Nabunturan, Davao De Oro
– Davao City
– Tupi, South Cotabato
– Koronadal City

Intensity I:
– Malaybalay, Bukidnon
– Kidapawan City
– Kiamba, Sarangani
– Sto NiƱo at T’boli, South Cotabato

Ayon sa Phivolcs maaring magdulot ng aftershocks ang nasabing pagyanig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *