Voter’s ID hindi requirement para makaboto
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi requirement sa pagboto sa May 9 ang voter’s ID.
Sa abiso ng Comelec, hindi kailangang magpakita ng voter’s ID kaya maging ang mga walang hawak na voter’s ID ay tiyak na makaboboto.
Pero kung sakaling magkakaroon ng problema sa identity, maaring hingan ng valid ID ang isang botante. .
Dahil dito, mas mainam pa rin ayon sa Comelec na mayroong dala-dalang valid ID kapag pupunta sa polling precinct para makaboto. (DDC)