Face shield, vaccination card hindi kailangan sa pagboto

Face shield, vaccination card hindi kailangan sa pagboto

Hindi oobligahin ang mga botante na magsuot ng face shield at magpakita ng kanilang vaccination card sa pagboto nila sa May 9. 2022

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Erwin Garcia, hindi rin ire-require ang antigen test o RT PCR test sa mga botante.

Ayon kay Garcia, mayroong 65.8 million na mga botante ang boboto sa May 9.

Paalala ni Garcia sa mga botante, sa mismong araw ng eleksyon, huwag magsuot ng face mask at t-shirts na mayroong larawan o pangalan ng mga kandidato dahil tapos na ang campaign period sa May 9.

Bawal ding kuhanan ng larawan ang ballot receipts at bawal mag-selfie sa loob ng polling precinct.

Sa mga itatayo namang Isolation Polling Precincts (IPP) sinabi ni Garcia na kakayanin lamang nitong makapag-accommodate ng 5 botante ng sabay-sabay.

Ang mga botante na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng botohan ay sa IPP pabobotohin.

Mayroon ding emergency polling precincts para sa mga PWDs, elderlies at Indigenous People. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *