SSS contribution puwede nang bayaran sa ShopeePay

SSS contribution puwede nang bayaran sa ShopeePay

Maari nang magbayad ng kontribusyon ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng ShopeePay.

Ayon kay SSS President at CEO Michael G. Regino, ang mga self-employed, voluntary, non-working spouse, at land-based Overseas Filipino Worker (OFW) members ay puwedeng gumamit ng ShopeePay sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon.

Ang ShopeePay ay remittance sub-agent ng CIS Bayad Center, Inc., na isang SSS-accredited collecting partner. Isa itong digital wallet na accessible sa pamamagitan ng Shopee App.

“Our members and employers need secure and convenient methods for their SSS payments, especially during this time of the pandemic. We thank all our accredited collecting partners for making this possible by helping us provide additional payment options for our members and employers,” sinabi ni Regino.

Maliban sa Shopee Pay, tuloy ang SSS pagtanggap ng SSS contributions sa mga accredited bank at non-bank collecting partners sa pamamagitan ng over-the-counter at online payment options. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *