Pulis at military dapat automatic na exempted sa gun ban ayon kay Pangulong Duterte

Pulis at military dapat automatic na exempted sa gun ban ayon kay Pangulong Duterte

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na automatic na bigyan ng exemption sa gun ban ang mga pulis at militar, lalo’t responsibilidad nilang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tuwing halalan.

Sinabi ng pangulo na hindi magandang ideya ang pagkuha ng individual clearances mula sa Comelec.

Sa ilalim ng Resolution No. 1078, pinapayagan ng Comelec ang mga pulis at sundalo na magdala ng baril para sa election duties subalit maari lamang nila itong bitibitin sa partikular na lugar na itinakda ng komisyon.

Kamakailan ay binigyan ng exemption ng Comelec ang mga senior government officials, mga hukom, at prosecutors mula sa gun ban na nagsimula noong Jan. 9 at magtatapos sa June 8. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *