Katawan ng limang batang nalunod sa Balete, Batangas natagpuan na

Katawan ng limang batang nalunod sa Balete, Batangas natagpuan na

(UPDATE) Pawang wala nang buhay nang matagpuan ang limang bata na pawang nalunod sa Batangas.

Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) simula araw ng Martes (May 3) matapos matanggap ang ulat na limang bata ang nalinod sa bahagi ng Taal Lake.

Sa inisyal na impormasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Balete ang mga bata ay nasa pagitan ng edad 7 hanggang 12 at pawang residente ng Barangay Sto. Toribio, Lipa City.

Agad nag-deploy ng search and rescue (SAR) team ang PCG at MDRRMO Balete, para hanapin ang mga batang nawawala at nag-dispatch din ng dalawang divers mula sa PCG Special Operations Group – Southern Tagalog.

Martes (May 3) ng gabi nang unang matagpuan ang walang buhay na katawan ng dalawa sa mga bata.

Ngayong umaga naman ng Miyerkules (May 4) nang makita ang katawan ng tatlong iba pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *