DILG hinikayat ang publiko na i-report ang mga insidente ng vote buying
Ilang araw bago sumapit ang eleksyon sa May 9, hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na i-report ang mga insidente ng vote buying.
Ayon sa DILG, maaring mag-report ng vote buying incidents gamit ang social media platforms.
Kailangan lamang mangalap ng ebidensya, gumawa ng complaint at isumite ito sa http://votesafe.ph/sumbong.
Muli namang pinaalalahanan ng DILG ang mga kandidato na huwag bumili ng boto.
Kasama ang DILG sa Task Force Kontra Bigay na binuo ng Comelec katuwang ang mga otoridad mula sa NBI at PNP. (DDC)