Pambu-bully umano noon ni dating Senador Jinggoy Estrada inungkat ng netizens
Hindi pinalampas ng netizens ang ginawa umanong pambubully ni Senatorial candidate Jinggoy Estrada sa kanyang kaklase noong highschool sa Ateneo de Manila Highschool kaya’t binatikos ng mga ito ang aksyon ng dating senador.
Sa mga comment sa facebook at iba pang social media, sinabi ng mga ito na lumabas ang pagiging “siga” ni Jinggoy at ang kawalan nito ng kagandahang asal.
Nauna rito, nagmessage sa kanilang batch sa highschool si Jinggoy na humihingi ng pabor na iboto siya bilang senador bagaman lumalabas sa survey ng Pulse Asia na rank #11 siya.
Sinabi ng politiko na kapag nailuklok siyang muli ay maggagawa siya ng batas na pakikinabangan ng nakararaming mamamayan.
Subalit sinagot si Jinggoy ng isa sa kanyang kaklase na hindi niya ito iboboto sapagkat hindi siya naniniwala sa mga walang katotohanang pangako nito at ng kanyang partido.
Ayon sa kaklase ni Jinggoy, hindi naaayon sa turo ng Katoliko at Kristiyano ang mga asal na mayroon ang dating senador.
Naniniwala ang kaklase nito sa HS na sinsero at may kredibilidad ang sinuportahan niyang kandidato.
Dahil sa mensahe ng kaklaseng hayagang nagsabi na hindi siya sususporta, nagmessage si Jinggoy at sinabing ” bastos ka pala hayop ka.”
Sinabi pa ni Jinggoy kanyang mensahe sa kaklase na ” Sana ginulpi na kita nung nasa HS pa tayo.”
Lamang, sinagot ang dating senador ng kanyang kaklase na hindi ito bababa sa level ng mambabatas dahil sumusunod siya sa mga turo at aral ng kanilang” alma mater. ”
Sa mga batikos naman ng netizen, sinabi ng mga ito na” isang halimbawa ng hindi kayang bilhin ng pera ay ang pagiging “class” at iyon ang wala si Jinggoy.