PCOO nakiisa sa paggunita ng World Press Freedom Day

PCOO nakiisa sa paggunita ng World Press Freedom Day

Nakiisa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa paggunita ngayong araw sa World Press Freedom Day.

Ayon sa pahayag, kaisa ng buong mundo ang PCOO sa paggunita ng World Press Freedom Day ngayong Mayo 3.

Sinabi ng PCOO na patuloy ang adhikain ng administrasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa malayang pamamahayag sa bansa.

Binanggit ng PCOO na noong 2016, binuo ni Pangulong Duterte ang Presidential Task Force on Media Security kung saan mandato nitong protektahan ang media workers.

Ngayong 2022, bilang pag-alala kay Marcelo H. Del Pilar, idineklara naman ni Pangulong Duterte ang Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *