DepEd nabahala sa mababang bilang ng mga pribadong paaralan na nagsasagawa na ng face-to-face classes
Kakaunti lamang ang bilang ng mga pribadong paaralan na nakapagsimula na ng kanilang face-to-face classes.
Sa prerecorded Talk to the People, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na 676 lamang mula sa 16,000 private schools sa bansa ang nagsimula na ng face-to-face classes.
Aminado si Briones na hamon para sa DepEd na kumbinsihin ang mga pribadong paaralan na bumalik na sa in-person mode of learning.
Sa mga pribadong paaralan naman, sinabi ni Briones na mayroon nang 25,668 na eskwelahan ang nagsasagawa ng in-person classes. (DDC)