Mga botanteng may sintomas ng COVID-19 pabobotohin sa Isolation Polling Places
Maglalagay ng Isolation Polling Places (IPP) para sa mga botante na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng eleksyon.
Sa kaniyang presentasyon sa Talk to the People sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na ang mga botanteng may COVID-like symptoms ay papayagang makaboto sa loob ng IPP.
Aatasan din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng Medical Help Desk sa mga polling places.
Ang mga BHERTS o Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at iba pang COVID response teams ng LGU ay dapat naka-stand by sa araw ng eleksyon.
Pinatitiyak din ng DILG sa mga LGU ang kahandaan ng mga LGU-run hospitals at health centers. (DDC)