Pangulong Duterte iniutos ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maipatigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa.
Sa kaniyang prerecorded Talk to the People na umere Martes (May 3) ng umaga, sinabi ng pangulo na hanggang Martes na lang ng gabi ang operasyon ng e-sabong sa bansa.
Ipinaubaya ni Duterte kaky DILG Secretary Eduardo Año ang pagtitiyak na mahihinto na ang operasyon ng online sabong.
Sinabi ng pangulo na lumalabag sa Filipino values ang operasyon ng e-sabong.
Binanggit din nitong ang mga sabungero na lulong sa e-sabong ay hindi na halos natutulog. (DDC)