Bilang ng mga nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 halos 8.5 million na
Umabot na sa halos 8.5 million na katao ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na sinimulang ipatupad noong March 28, 2022.
Sa datos ng pamunuan ng MRT-3, umabot na sa 8,472,637 ang mga nakinabang sa libreng sakay.
Noong April 8, 2022 naitala ang highest single-day ridership makaraang makapagtala ng 335,993 na mga pasahero.
Magugunitang pinalawig pa ang pagpapatupad ng libreng sakay sa MRT-3 hanggang sa May 30, 2022. (DDC)