Kidney transplant Miss International 2013 Bea Rose Santiago naging matagumpay

Kidney transplant Miss International 2013 Bea Rose Santiago naging matagumpay

Matapos ang apat na taon na paglaban sa sakit, naging matagumpay ang kidney transplant kay Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Sumailalim sa transplant si Santiago matapos ang tatlong taon na pagda-dialysis dahil sa chronic kidney disease.

Sa kaniyang Instagram, nagpasalamat ang beauty queen sa kaniyang nakababatang kapatid na nag-donate sa kaniya ng kidney.

Isinagawa ang proseso sa Toronto General Hospital sa Canada.

Si Santiago ay na-diagnose na mayroong chronic kidney disease noong 2018.

Binalaan niya noon ang publiko sa paggamit ng pre-workout supplements na aniya ay mayroong kidney-damaging effects. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *