BDO at Union Bank pinatawan ng parusa ng BSP dahil sa cyber incident noong Disyembre

BDO at Union Bank pinatawan ng parusa ng BSP dahil sa cyber incident noong Disyembre

Pinatawan ng parusa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang BDO Unibank at ang Union Bank of the Philippines dahil sa insidente ng hacking na nangyari noong nakaraang taon nakaapekto sa maraming kliyente.

Natapos na ng BSP ang isinagawang imbestigasyon sa insidente kung saan nagkaroon ng hindi otorisadong pag-access sa accounts ng mga kliyente ng BDO at may mga nailipat na pera patungo sa accounts sa Union Bank.

Ayon sa BSP batay sa imbestigasyon ng Monetary Board (MB), napagpasyahang patawan ng sanctions ang BDO at UBP para matiyak ding tutugunan nila ang isyu upang hindi na maulit ang insidente.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang nasabing insidente ay paalala na kailangang ang patuloy na pagpapabuti ng depensa laban sa cyberthreat actors.

Hindi naman tinukoy ng BSP kung anong klaseng parusa ang naipataw sa dalawang bangko.

Ayon sa BSP sa idinaos na imbestigasyon tiniyak din ng dalawang bangko na mai-reimburse ang pera ng mga apektadong kliyente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *