Matapos makapagtala ng kaso ng Omicron BA.2.12 variant sa bansa, DOH umapela sa publiko na magpaturok ng booster shot

Matapos makapagtala ng kaso ng Omicron BA.2.12 variant sa bansa, DOH umapela sa publiko na magpaturok ng booster shot

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga hindi pa nakatatangap ng booster dose ng COVID-19 vaccine na magpaturok na ng booster shot.

Ayon sa DOH, ang pagkakaroon ng Omicron-BA.2.12 variant sa bansa ay paalala na mayroon pa ring COVID-19 virus at maaring muling makaranas ng surge ng kaso sa bansa.

Dahil dito, sinabi ng DOH na sa lalong madaling panahon ay dapat magpaturok na ng booster shot ng COVID-19 vacicne.

Ang mga eligible na immunocompromised individuals naman ay pinapayuhang magpabakuna na ng kanilang second booster o 4th dose.

Habang ang mga hanggang sa ngayon ay hindi pa tumatanggap ng kanilang primary series sinabi ng DOH na dapat na silang agad magpabakuna para magkaroon ng depensa laban sa anumang uri ng variant. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *