Mga babae sa larangan ng IT binigyang-pagkilala ng DICT
Ginugunita ngayong araw (Apr. 28) ang “International Girls in ICT Day” nag nagbibigay pagkilala sa mga kababaihan na nasa larangan ng communications and information technology.
Nakiisa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa buong mundo sa paggunita ng “International Girls in ICT Day”.
Ayon sa DICT, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Access and Safety” na layong makabuo ng safer digital environment para sa mga babae.
“Together, let us work for better solutions and ideas in bridging the gender digital divide and ensuring a safe online access for girls and young women,” ayon sa DICT.
Ang “International Girls in ICT Day” ay ipinagdiriwang sa 150 bansa sa mundo.
Ito ay para kilalanin ang mga kababaihan na nasa ICT sector at hikayatin pa ang mga kabataang babae na pasukin ang karera na may kinalaman sa technology. (DDC)